C
ChesterJohn
Guest
I need advice po kung anung dapat kong gawin, naging Christian ako nung June, sa tulong ng mga kaibigan kong member ng Youth JAM (Jesus And Me) org sa school namin, na under sa Chi Alpha. Dahil sa kanila mas nakilala ko si God, naiiwasan ko na magkasala. Roman Catholic po ako hanggang ngayon, pero gusto ko pong maging Born Again Christian, dahil member lahat ng mga kaibigan ko sa church nila, ako lang ang nahiwalay. Gusto ko pang makilala si God lalo, pero yung mama ko, sobrang loyal sa Catholic, ayaw akong payagan, at magagalit kung pupunta ako sa church nila. Dahil dun, hindi ako nakakapagchuchurch pag sunday, lagi po akong naguguilty. Anu po ba ang dapat kong gawin? lagi ko nalang pinagppray.